Ako'y lumaki sa isang lugar sa Maynila, ang lugar na nagbigay sa akin ng pangarap at inspirasyon. Ang Manila ay may isang malaking uri ng transportasyon na kung tawagin ay tren, kung saan naroon ang aming munting bahay. Oo, tama ako'y lumaki sa tabi ng riles, in short batang riles. Lumaki ako sa isang malawak na paraiso, dati kase noong hindi pa uso ang squatter ang lugar namin ay napakalawak, madaming damo at mga puno sa paligid ng riles, pero dahil sa dami ng tao dito sa pagdaan ng mga taon ito ay tinawag na "squatter." Laki ako sa squatter, nakakahiya man pero may sense of pride parin ako para sa lugar na ito kase nandito ang mga mahal ko sa buhay, ang pamilya ko, nanay, tatay at mga kapatid.
Mahirap kami, oo, pero masarap ang pakiramdam na, sama-sama kami sa hirap, kase hindi mo dama ang hirap dahil madami kang dahilan para maging masaya.
Makahiya
Friday, September 20, 2019
Wednesday, June 10, 2015
Paunang Pagbati!
Mabuhay!
Haaay! Para talaga akong nabuhayan dahil magsusulat na naman ako sa blog, marami akong blog pero ito ang isa sa pinaka the best ika nga, kase hindi na ako mahihirapan magsulat sa Inggles, (he he he) ako ay magsusulat sa pinakamamahal at gustong-gusto ko na wika, ang sarili kong wika, ang wikang Tagalog.
Ang blog na ito ay inaaalay ko sa mga sumusunod: Una sa lahat, sa Maykapal na nagbibigay sa akin ng talino at kalakasan simula palang ng ako'y isilang. Pangalawa sa Pamilya ko, lalo na sa dalawa kong anak na nagbibigay sa akin nang inspirasyon sa lahat ng ginagawa ko at gagawin pa lang. At ang huli ay sa Bayan ko, na isa sa inspirasyon ng aking katatagan, ewan ko ba kung bakit ginawa ng Diyos na ako'y isilang at maging isa sa mamayan nang bansang ito, mahirap pero mamahalin mo dahil sa likas na ganda, biyaya nang Diyos sa mga Pilipino. Ewan ko siguro dahil sa mga karanasan mas mabuting mahalin ang sariling bayan, dahil sa mga bansang nappuntahan ko na, ni wala akong nakasalamuhang dayuhan na hindi mahal ang sarili nilang bayan, ibang mga pinoy lang ang kilala kong ganyan, (oops!)
Magsusulat ako gamit ang aking talino at karanasan sa pamamagitan nang sumusunod;
Una sa Isip ko, dahil hindi talaga ako mapakaling hindi isulat lahat ng naiisip, iniiisip at iisipin pa lang. Pangalawa sa Puso ko, dahil hindi ko na maaring itago lang ito sa dibdib ko na para bang sasabog kapag hindi naipahayag. Pangatlo sa Mata ko, na nagbibigay nang dagdag na ganda sa mga karanasan ko na kahit nakapikit ay nakakabalik sa mga lugar na napuntahan ko at nagbibigay ng bintana sa gusto kong puntahan pa. At sa aking mga kamay, dahil ito na nga ang nagbibigay katuparan sa lahat ng aking gagawin.
Ang blog na ito ay tinawag ko na "Makahiya" dahil bukod sa likas na mahiyain ako, ay ito rin ay isa sa mga katangian ng mga pangaraniwang Pilipino. Ang makahiya ay galing sa inspirasyon ng isang uri nang halaman o damo na pangkaraniwan na makikita sa Pilipinas, ito ay isang uri ng damo na kapag iyong hinawakan ay kusang naniniklop ang mga mumunting dahon nito na isang depensa nila sa mga magtatangka na hawakan o galawin sila na para bang nagsasabi na "huwag mo akong hawakan" o sa Ingles ay "touch me not", na parang isang nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Kahit ano pa man ang pakahulugan nito, ang blog na ito ay isang hakbang ko para sa isang malayang pagpapahayag ng damdamin at ika nga huwag niyo akong pakialaman! :D

Subscribe to:
Posts (Atom)